Lunch Out Loud, Magpapaalam Na Umano Sa Ere! Natigi Na Rin?

Huwebes, Marso 23, 2023

/ by Lovely


Ibinulgar kamakailan lamang ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa mga tagasubaybay ng kanyang online show na malapit nang ipatigil ang show naLunch Out Loud, ayon sa kanyang source.


Sa Youtube vlog ni Ogie Diaz kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang umano'y last taping ng Lunch Out Loud.


Ayon sa isang source umano ni Ogie Diaz na ang last day ng taping ng Lunch Out Loud ay sa darating na March 29, 2023 at mapapanood naman ang huling airing nito sa darating na April 29, 2023.


"Ang balita nga natin ay ito, magpapaalam na sa ere ang Lunch Out Loud. Ang LOL ay magba-baboo na sa ere. Basta may nagchika lamang sa atin na ang last day of taping nila ay March 29 so ang last airing ng kanilang tinake ay magtatapos sa April 29. Kung tama ang ibinalita sa atin," chika ni Ogie Diaz.


Agad namang tinanong ni Mama Loi kung paano lumabas ang bali-balitang ito?


"Paano lumabas yun 'nay?"


Agad namang sinagot ni Ogie Diaz at nabanggit pa ang pangalan ni Karla Estrada.


"Meron daw nakausap itong TV host, o host ng LOL, nakausap niya si Karla Estrada tapos si Karla Estrada, ibinalita sa kanya na, 


'Uy may show na ako sa TV5.' Tas sabi ng host ng LOL, 'Ay ano yun?' 'Face to Face with Alex Calleja.' 'Anong time slot niyo?' 'Ano raw, 11-12, weekdays,'" pagbabahagi ni Ogie Diaz.


Isiniwalat pa ni Ogie na sana'y sa darating na April 15 na ang huling airing nito kaso, nakiusap umano ang producer ng LOL kaya na-extend hanggang April 29.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo