Lolit Solis Pinagsabihan Si Ogie Diaz at Liza Soberano! Bea Alonzo Nadamay Din!

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Lovely


Tila hindi magpapahuli ang veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa bangayan ngayon nina Ogie Diaz at Liza Soberano.


Sa kanyang Instagram feed ipinahayag niya ang kanyang opinyon hinggil sa nangayayari sa pagitan ng dalawa. Ayon pa sa kanyang napaka-swerte niya sa kanyang mga alaga.


"Natatawa ako sa mga nangyayari ngayon between talents and managers, Salve. Ewan ko pero feeling ko napaka lucky ko sa mga alaga ko dahil hindi ako nagkaruon ng issue sa mga ito."


"To think na wala akong kontrata sa kanila. Lahat kami honor system lang, lahat base on trust. Basta kasi katwiran namin nuon ni Douglas Quijano pag ayaw na sa iyo, let go."


Ipinunto din ni Lolit Solis sa kanyang post na ang relationship between manager at talent ay parang isang pamilya, magkakahiwalay man dapat naroon pa rin ang good memories.


"Ang manager/talent relationship parang family din. Magkakahiwalay pero nanduon parin iyon good memories dapat. Melancholic nga ako nuon wake ni Douglas Quijano at Bibsy Carballo na nakita ko mga talents nila ang nag aasikaso. Talagang turing pamilya."


Nalulungkot din umano si Lolit Solis na ang dating magkakampi ay nag-aaway na ngayon at nagsisiraan pa.


"Kaya sad pag makita mo na nag aaway ang dating magka kampi. It leaves a bad taste in the mouth. Sana maisip nila na after a long years of working together, dapat kung maghiwalay man, let it be. Walang siraan, walang bad words. Peace lang."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo