Liza Soberano Humiram Ng Malaking Halaga Sa Abs-Cbn Para Makabili Ng Bahay!

Huwebes, Marso 2, 2023

/ by Lovely


 May isiniwalat ang dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz tungkol sa pagkakabili niya ng bahay para sa kanyang ama rito sa Pilipinas.


Si Ogie Diaz pala ang naging guarantor para maka-utang si Liza ng malaking halaga ng pera sa ABS-CBN noon para ipambili nito ng bahay.


Dahil kailangan ni Liza na makabili ng bahay para sa kanyang pamilya, si Ogie Diaz umano mismo ang naglakas nang loob na pumunta sa pamunuan ng nasabing network upang makapag advance ang dalaga para makabili ng bahay.


“Gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN dahil ako mismo ‘yung kumausap habang takot na takot si Liza at daddy John ang kanyang ama na kumuha ng bahay."


"Ako ang naglakas loob sa ABS-CBN na makapag-advance si Liza para mabayaran (mabili) ‘yung bahay. Tapos sabi ko awas-awasin sa talent fee ni Liza," pagbabahagi ni Ogie Diaz.


Naisipan umano niyang sa ABS-CBN mismo humiram dahil kung ilo-loan nila sa bangko ay tiyak na napakalaki ng interes nito dahil ang kailangan nilang pera ay mahigit 17 million.


“At kung sa bangko namin kukunin (ilo-loan) ang pangbayad ng bahay na iyon, Dyoskopo that’s P17.8 million and yes in-advance namin iyon sa ABS-CBN .at ang nakakatuwa, hindi kami tinubuan."


“For how many years ng walang interest! Hindi koi to inaano (sinusumbat) kay Liza ah."


"Sa akin ito, hindi kay Liza na ako bilang si Ogie Diaz na dating manager ni Liza Soberano na gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN dahil sila ang naging tulay para makuha ni Liza ‘yung bahay,” pagbabalik tanaw ng talent manager.


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing vlog ni Ogie Diaz.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo