Liza Soberana Nagpa-Interview Muna Kay Boy Abunda Bago Lumipad sa US!

Biyernes, Marso 10, 2023

/ by Lovely


 Agad na naging usap-usapan sa ilang social media platform ang pagpapa-interview ng aktres na si Liza Soberano sa programa ni Boy Abunda sa GMA7 na Fast Talk with Boy Abunda.


Sa nasabing episode, unang isiniwalat ng host na si Tito Boy na noon pang March 7 niya na interview si Liza Soberano bago ito lumipad pabalik sa US.


Nagawa niya ang panayam ilang araw matapos makipag-ugnayan umano sa kanya si James Reid, ang kasalukuyang manager ni Liza. 


Sa simula ng panayam, inilahad ni Liza na noong una ay ayaw niyang magpa-interview kay Boy Abunda dahil para sa kanya, hindi niya  kailangan pang ipaliwanag ang kanyang side dahil sinabi naman na niya ito sa kanyang vlog.


Subalit napagtanto umano ni Liza Soberano na kailangan na rin niyang ipagtanggol ang sarili sa iba't-ibang interpretation sa kanyang vlog na nagsilabasan at nakakaapekto na sa kanya.


"I started having feelings of regret because there were so many interpretations of what I said. It was getting so noisy. So many thoughts and opinions were coming in. I felt I needed to defend myself."


Inamin din ni Liza na nasaktan siya sa opinyon at reaction ni Boy Abunda sa kanyang vlog.


“Na-hurt ako kasi feeling ko of all people ikaw ‘yung makakaintindi [because] I see you as one of the wisest in the industry.”


Bukod sa mga nabanggit na paksa, nagbigay din ng paglilinaw si Liza tungkol sa kanyang viral vlog, binanggit ang panahon na tinawag siyang “little producer” ng mga dati niyang katrabaho, kung gaano siya nagpapasalamat dahil sa kanyang career at pagkakaroon ng screen name na “Liza”.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo