‘La Vida Lena,’ Unang Inoffer Kay Ivana Ngunit Napunta Kay Erich; Ogie Diaz, Napahugot!

Martes, Marso 7, 2023

/ by Lovely

Agad na sinagot ng dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz ang tweet ng isang TV director na si Jojo Saguin hinggil sa seryeng “La Vida Lena” noon, na pinagbidahan ni Erich Gonzales.


Ipinalabas ito noon Primetime Bida ng ABS-CBN, sa timeslot ng “Dirty Linen” ngayon.


Ispluk ni Jojo, ang “La Vida Lena” ay unang inialok kay Ivana Alawi, subalit napunta ito kay Erich. Nakakuha naman ito ng mataas na rating dahil sa galing ni Erich kahit pa second choice lamang siya.


“Yung ‘La Vida Lena’ originally was for Ivana Alawi.. Naiba nang naiba ang story tapos hindi ready si Ivana to do lock in tapings. Kasagsagan kasi ng pandemic nun. Tapos we presented the story to Erich and she said yes. Ayun nag-swak naman ang lahat. Pak!!!!” ayon sa tweet ni Jojo.


Niretweet ni Ogie ang post ni Jojo at saka binigyan ng kanyang sariling saloobin.


“Ako talaga, naniniwala na kung hindi ukol, hindi bubukol, direk. Pag pinilit, pwedeng ibigay, pero me consequence yon. #generallyspeaking,” ani Ogie.


Bagama’t inilagay na nga ni Ogie na “general speaking”, naniniwala parin ang mga netizen na somehow ay “parinig” din ito ni Ogie Diaz sa kaniyang dating alaga na si Liza Soberano.


Samantala mainit paring usap-usapan ang naging rebelasyon ni Liza na sa kanila ni Enrique Gil unang inalok ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na maituturing na “highest-grossing film” sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, bagong ang pandemic.


Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon daw, nagulat na lamang si Liza nang mabalitaan niyang inalok ito kina Kathryn Bernardo at sa kaniyang reel at real-life boyfriend na si Enrique Gil.


Pagkatapos, napunta na nga ito kina Kathryn at Alden Richards ng GMA Network.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo