Kylie Verzosa Inamin Na Naging Item Sila Ni Marco Gumabao Bago Niya Naging Boyfriend Si Jake Cuenca!

Biyernes, Marso 17, 2023

/ by Lovely




 Inamin kamakailan ng beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa na minsang naging sila ng hunk actor na si Marco Gumabao.


Sa isang panayam kay Boy Abunda, ibinahagi ni Kylie Verzosa na matagal na bago sila nagsimulang mag-date ng ex-boyfriend na si Jake Cuenca ay nagdate sila ng hunk actor na si Marco Gumabao.


“A long time before Jake, long way before Jake — mga two years ago. We tried. We tried it out, but we were…bata pa kami nun eh,” pag-amin Kylie kay Tito Boy.


Gayunpaman, nilinaw naman ni Kylie na naging mabuting magkaibigan pa rin naman sila ni Marco Gumabao.


“Happy ako sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay niya. I’ve seen him grow as an actor, as a person. Nagka-catch up pa rin kami. So yeah, we remain very good friends,” ani Kylie.


Makikita naman na totoo ito dahil walang awkward feels ang dalawa sa pagsasama nila sa isang project.


Samantala, inamin naman ni Kylie na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila maayos na nakakapag-usap ni Jake Cuenca.


“I know it’s been a long time pero siguro in time. Only time will tell kung we’re able to already see each other in a friendly setting."


“Ayoko siyang pilitin pero darating ang panahon when we’ll meet each other and maybe, who knows? Time will only tell,” saad ni Kylie.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo