Cristy Fermin, Pinuna Ang Paglabas Ng James Reid-Issa Pressman Pic Sa Gitna Ng Isyu Ni Liza Soberano!

Biyernes, Marso 17, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa social media ang mga larawan na ibinahagi nina James Reid at Issa Pressman kung saan tila inamin nila ang kanilang relasyon.


Subalit, tila iba naman ang pananaw rito ng beteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa ginawang ito nina James Reid at Issa Pressman.


Hinuha ni Cristy Fermin na ginawa lamang umano ito nina James Reid upang pagtakpan ang isyu ngayon ni Liza Soberano.


“Doon siya nabubutasan eh, diba? Habang pa-nega nang pa-nega nang pa-nega ang kanyang bagong kontratadong artistang si Liza Soberano, si Miss Hope, si Tita Hope, eh eto naman siya. Magkahawak-kamay pa sila ni Issa,” prangkang komento ni Cristy Fermin sa pa isyu ngayon ni James Reid.


Itinanong naman ni Cristy kay Romel ang isyung magkaibigan sina James, Issa at Nadine Lustre.


“Diba magkakaibigan sila ni Nadine, diba?” pagtatanong ni Cristy kay Romel.


“'Yun na nga eh, iisa lang ang circle of friends ng mga 'yan. Ngayon tignan mo, si Nadine lang ang nahiwalay,” sagot naman ni Romel Chika.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo