Kathryn Bernardo May Buwelta Kay Liza Soberano! Hello Love Goodbye Isue!

Martes, Marso 7, 2023

/ by Lovely


 Kathryn Bernardo, bumwelta sa mga naging pahayag ni Liza Soberano sa vlog ni Bea Alonzo?


Muling umani ng pambabatikos ang aktres na si Liza Soberano matapos ang kanyang pagsabak sa Lie Detector Challenge sa vlog ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.


Inamin ni Liza na sa kanila ni Enrique naunang i-noffer ang pelikulang Hello Love Goodbye, subalit tila may pumigil sa kanilang tanggapin ito.


Aminado rin si Liza na nais niyang tanggapin noon ang pelikula at pinaghintay itong matapos ang nauna niyang projects.


Subalit tila hindi na napagbigyan ang aktres dahil ibinigay na ito kay Kathryn Bernardo.


Samantala, usap-usapan ngayon ang tila pagsagot umano ni Kathryn Bernardo sa mga pahayag ni Liza Soberano hinggil sa nag-hit niyang pelikula.


Ayon kay Kathryn, mananatili ang KathNeil sa mga susunod pang taon subalit hindi umano nila nililimitahan ang sarili sa paggawa ng proyekto kasama ang iba pang mga artista.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo