Karen Davila Nilinaw Na Ang Dahilan Sa Pagtatawanan Nila Sa Closing Spiel ng TV Patrol!

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Lovely


 Nilinaw na ng veteran journalist at News Anchor na si Karen Davila ang dahilan kung bakit hindi nila naipahayag ang kanilang closing spiels noon sa kanilang programa na TV Patrol.


Nag-viral sa social media ang isang video na na-record sa pagtatapos ng palabas ng TV Patrol noong February 28, 2023. Dahil umano ito sa isang misteryosong tunog na narinig ng mga netizens.


Iniisip ng maraming mga netizens na isa sa mga news anchor ang umutot habang nagpapahayag sila sa kanilang closing spiel. Na naging dahilan kung bakit sila nagtatawanan.


Kaya naman nilinaw na ni Karen Davila ang isyu at pinabulaanang may nautot sa kanila.  Edited na umano ang kumakalat na video na nilagyan lang ng farting sound.


“Bakit ba kami tawa ng tawa? Kasi po, si @kabayannolidecastro lagi nagpapatawa bago mag extro at gusto mag banter! Napagsabihan kami that day, no banter na – ayun ayaw, nagpatawa pa!” paglilinaw ni Karen.


Ibinahagi rin niya ang original clip na walang maririnig na farting sound.


“THIS IS THE ORIGINAL VIDEO. Don’t believe those with sound effects being passed around. Love the team at @tvpatrolph we really have a lot of fun everyday!” 


Nag-comment din si Sembrano sa video, na edited daw ito at ang saya-saya lang nila noon. Omaga-Diaz revealed that they were laughing because of a "joke," hindi dahil may umutot. Ipinahayag din ni Noli De Castro na hindi nila napigilan ang pagtawa dahil nagsimula na si Karen Davila

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo