Jim Morales, Naka-Toga Patungong Japan!

Linggo, Marso 26, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon ang ibinahaging post ng 'He's into her' actor na si Jim Morales kung saan nakasuot ito ng toga sa pagpunta niya sa Japan.


"Ewan ko na lang talaga," caption ni Jim sa kanyang post kung saan makikitang nasa airport pa lamang siya papuntang Japan.


Pagkarating niya sa Japan ay kaagad din siyang nagbahagi ng larawan.


"Ung nalagpasan mo ang katanungan ng immigration sa Pinas," caption naman niya sa pangalawang post.


Pinasalamatan din niya ang immigration sa Pilipinas na aniya'y mababait kaya nakarating daw siya ng maayos sa kanyang destinayon. 


"Nakadating na po tayo sa Japan. Madali lang pong nakapasok ako sa immigration po sa Pilipinas. Sobramg babait po. Sobrang babait ng immigration sa Pilipinas!"


Pabiro naman niyang sinabi na hindi siya nakapagdala ng jacket gayung taglamig pa naman ngayon sa Japan dahil mas naisip umano niya isuot ang kanyang toga.


Matatandaan nauna nang nagviral ang isang babae na namiss ang flight dahil hiningan umano ng yearbook upang patunay na nakapagtapos.


Dahil dito, sunod-sunod din na nag-post ang mga netizens ng kanilang toga picture upang may madaling maipakita sa immigration sakaling sila ay bibyahe gayung isa pala raw ito sa mga itinatanong.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo