Ito Pala Ang Reaksyon Ni Ogie Giaz Sa Unang Interview Ni Liza Soberano Sa Fast Talk With Boy Abunda

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Sparkle

 


Hindi pinalampas ni Ogie Diaz ang pagbibigay ng reaksyon sa panayam ni Liza Soberano sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ng GMA-7 noong Marso 10, 2023.


Sa unang bahagi ng panayam sa kanya ng host na si Boy Abunda, nilinaw ni Liza ang pinagmulan ng kanyang YouTube vlog na lumikha ng maraming kontrobersiya.


Dito inamin ng aktres na walang konteksto ang mga binitiwang salita kaya na-misinterpret ng iba.




Hanggang sa napagbintangan siyang ingrata at hindi nagpapasalamat sa ABS-CBN, ang kanyang dating manager na si Ogie at ang mga katrabaho na naging daan para sumikat siya nang husto.


Ipinaliwanag din ni Liza na hindi niya intensyon na balewalain ang mga taong tumulong sa kanya para magkaroon ng magandang buhay.


Pero hindi raw babawiin ng aktres ang sinabi niya sa vlog dahil ini-enumerate lang niya ang mga katotohanan ng mga pinagdaanan niya sa kanyang showbiz career.




"For me, I was just stating facts. Everything that I broke down, I was breaking down the journey and so people understand what point I am at in my life right now."


"I was literally just saying that I started as a child, so hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mag-grow into myself as an adult."


"I didn't get to experience things that normal kids get to experience because I started at an early age."




Diin ni Liza, "Hindi po normal iyon."


Sa pamamagitan ng isang YouTube vlog noong Lunes, Marso 13, 2023, nag-react si Ogie sa sinabi ni Liza. Kasama sina Mama Loy, Dyosa Pockoh, muli nilang pinag-usapan ang kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng dating alaga ni Ogie.


Bungad sa kanya ni Mama Loy, "Ang daming naghihintay ng sagot mo doon sa interview ni Liza Soberano kay Tito Boy Abunda. Dahil nga hindi nila narinig noong nakaraang episode kaya abang na abang sila kung ano daw yung magiging reaksyon mo."


Sagot ni Ogie, "Alam mo, Loi, hindi na para sabihin ko pa kung ano yung mga gusto kong sabihin dun sa mga sinabi ni Liza."




"Hangga't maaari, hangga't kaya kong unawain ang dati kong alaga na hanggang ngayon naman ay anak-anakan ko, ay hindi para magsalita tayo o kontrahin siya kung ano yung kanyang paniniwala, kasi paniniwala yon ni Liza."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo