Ina Raymundo, Nililigawan ni Piolo Pascual Noon?

Lunes, Marso 20, 2023

/ by Lovely


 Sinagot ng actress na si Ina Raymundo ang katanungan sa kanya patungkol sa actor na si Piolo Pascual.


Naitanong kasi sa aktres kung niligawan ba siya noon ng aktor na si Piolo Pascual, batay sa closeness nila noon.


Matatandaan na noong huling bahagi ng dekada 90, isa si Ina sa mga sikat na artista sa mga pelikula para sa mga audience na nasa legal age. 


Na-tag siya bilang Sabado Nights Girl dahil sa kanyang commercial para sa isang brand ng alak. Dahil sa kanyang kasikatan, maraming lalaki ang humahanga sa kanya.


Noong 2017, nagbahagi si Ina ng larawan kasama si Piolo sa kanyang Instagram page. Magkayakap sila sa larawan at sa caption ng kanyang post, ibinunyag niya ang kuwento sa pagitan nila.


Ibinahagi ng aktres na palaging inaamin sa kanya ng aktor na siya ang crush nito noong college. Ibinunyag din ni Ina Raymundo na lagi siyang hinihintay ni Piolo Pascual sa hagdan ng UST building.


Sa kamakailang panayam, naitanong kay Ina kung ano ang mangyayari kung magkikita sila ni Piolo matapos malaman na crush niya ito. Sinabi ng aktres na ang aktor ay palaging nice sa lahat.


Aminado naman si Ina na kinilig din siya ng aminin ni Piolo ang pagkakaroon nito ng crush sa kanya.


"Nakakakilig, si Papa P 'yun diba?" pahayag ni Ina.


Gayunpaman, nilinaw ni Ina na hindi naman nanligaw si Piolo sa kanya. Ibinunyag din niya na mas gusto niyang makipagdate sa mga non-showbiz guys dahil mas nagwo-work umano ito sa kanya.


Si Ina Raymundo ay happily married kay Brian Poturnak sa loob ng 20 taon na ngayon. With this long period of time, she said na magkakilala na talaga sila.


Sa kasalukuyan, inaalagaan ng aktres ang kanyang dalawang anak na babae dito sa Pilipinas habang ang kanyang dalawang anak na lalaki ay kasama ng kanyang asawa sa US.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo