Herlene Budol, Gagampanan Ang Sarili Sa Talambuhay Na Itatampok Sa Magpakailanman!

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


Bibida si Herlene Nicole Budol na unang nakilala bilang si Hipon Girl sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman na tungkol sa kanyang sariling talambuhay.


Minsan na ring bumida sa isang episode ng Magpakailanman si Herlene Budol na pinamagatang "Yaya Dubai and I" na napanood noong November 2019 bilang bahagi ng anniversary special ng #MPK noong 2019.


Ngayon, magiging mas special ang pagganap ni Herlene Budol dahil bibida siya mismo sa kanyang sariling talambuhay.


Simula pa noong kabataan ni Herlene, madalas na siyang ikinukumpara sa kanyang nakakatandang kapatid na si Gellie. Namana kasi ni Gellie ang ganda ng kanilang inang si Len, habang si Herlene ay ganda lang umano ng katawan ang namana mula dito.


Sa kabila nito, mahilig pa ring sumali si Herlene sa mga beauty contest sa pag-asang ito ang mag-aahon ng kanyang pamilya mula sa hirap. Hindi na lamang niya pinapansin ang pangungutya sa kanya at pagbansang sa kanya bilang "hipon" o babaeng maganda ang katawan ngunit hindi kagandahan ang mukha.


Suwerte naman nang ma-discover siya at nag-viral dahil sa paglabas niya sa programang Wowowin. Ito ang naging daan sa pag-angat ng buhay niya at ng kanyang pamilya.


Subalit, noong pandemic ay nahinto sa trabaho si Herlene Budol.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo