Gerald Anderson Nasa Balwarte Ng GMA7! Lilipat Na Rin Ba?

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Lovely


 Marami sa mga Kapamilya fans ang nagulat nang mamataan ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa GMA Network building, partikular na sa set ng sikat na game show na “Family Feud Philippines” hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.


Kaya naman tanong ng mga ito, lulundag na rin ba ito ng network at iiwan na ang ABS-CBN?


Gayunpaman, walang dapat ipag-alala ang mga Kapamilya fans ni Gerald Anderson dahil naroon lamang ito bilang guest at upang i-promote ang kanilang pelikula ng Kapuso actress na si Kylie Padilla.


Ang pelikula nina Gerald Anderson at Kylie Padilla na pinamagatang  “Unravel: A Swiss Side Love Story,” ay magiging kalahok ng kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival sa darating na Abril.


“First time ko rito sa ‘Family Feud.’ First time ko pa dito sa GMA studios. It’s very exciting. Ang bait po ng mga staff. We’re just excited to play,” pahayag ng aktor sa kauna-unahang pagtapak sa balwarte ng GMA.



@familyfeudph Gerald Anderson and Kylie Padilla on Family Feud! Abangan! #fyp #familyfeudph ♬ original sound - Family Feud Philippines

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo