Enchong Dee, Pumayag Nang Maging Groomsman Sa Kasal Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde!

Huwebes, Marso 23, 2023

/ by Lovely


Umu-o na ang Kapamilya actor na si Enchong Dee para maging isa sa mga groomsmen sa kasal ng actor-politician na si Arjo Atayde at Eat Bulaga host na si Maine Mendoza.


Na-engage sina Arjo at Maine noong July last year. Isang bonggang proposal ang inihanda ng Quezon City First District Representative para sa kanyang kasintahan. 


Ibinahagi pa noon ni Maine na akala niya ay isa lang ito sa mga photo shoot niya. Hindi umano niya inexpect na doon din magpopropose si Arjo Atayde sa kanya.


Hindi naman naging bukas sa publiko ang paghahanda ng dalawa sa kanilang kasal, very minimize lamang ang ibinabahagi nilang detalye sa publiko. 


Maging ang ina ni Arjo Ataydena si Sylvia Sanchez ay nagsabi na pagdating sa mga detalye, hinahayaan na lang niya ang kanyang anak at ang kanyang magiging manugang na si Maine Mendoza.


Kamakailan lang, isang detalye tungkol sa kasal ang na-reveal sa social media. Ibinahagi ni Enchong Dee ang isang larawan sa kanyang Instagram story, na nagpapakita ng isang imbitasyon na nakuha niya mula kina Arjo. Kung saan nakalagay pa dito ang tunay niyang pangalan.


Tapos, isinama ni Enchong ang isang maliit na larawan nila ni Arjo. Ni-tag din niya ang IG account ng groom-to-be na may caption, "Yes with 100 percent emoji."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo