Cristy Fermin May Maanghang Na Mensahe Sa 'Babaitang' Si Liza Soberano!

Huwebes, Marso 2, 2023

/ by Lovely


Muling nagbigay ng pahayag ang Veteran Showbiz Columnist na si Manay Cristy Fermin tungkol sa isyu ng aktres na si Liza Soberano.


Sa simula ng episode, ipinahayag ni Cristy ang kanyang mga saloobin tungkol sa kung ano ang maaaring naramdaman ng mga taong tumulong kay Liza upang sumikat sa showbiz industry. 


Dahil sa pakikiramay sa kanila, tahasan niyang tinukoy si Liza bilang "babaita" sa ilang mga pahayag niya.


"Pero alam mo yung mga director, production people, si Ogie Diaz, yung lahat ng mga tao na gumalaw sa likuran ni Liza habang nasa ABS-CBN siya, ramdam na ramdam ko yun eh."


Dagdag pa ni Cristy, "Andun yung sentimiento na hindi mo maintindihan na sa kabila pala ng lahat ng kanilang ginawa, sa lahat pala ng kanilang mga sakripisyo, balewala naman pala eh dito sa babaitang to."


Ikinuwento tuloy ni Cristy ang mga bagay na binanggit ni Liza, gaya ng pagkakatrabaho niya sa limitadong bilang ng mga direktor, iisang co-star at kung anu-ano pa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo