Cristine Reyes Nakisama Muli Sa Ex-Husband Na Si Ali Khatibi!

Miyerkules, Marso 29, 2023

/ by Lovely


Muling naging laman ng usapin online ang aktres na si Cristine Reyes matapos makitang muli silang magkasama ng kanyang dating asawang si Ali Kathibi.


Kamakailan lang, ibinahagi sa Instagram ng 34-year-old ang mga larawang kuha mula sa isang event na dinaluhan ng kanyang anak. 


Subalit, ang nakapukaw ng atensyon ng mga netizens ay ang mga larawan ni Cristine kasama si Ali, na dumalo rin sa event para sa kanilang anak na si Amarah.


Base sa mga ibinahagi larawan ni Cristine makikitang tumanggap ng certificate of appreciation ang anak mula sa Sky Avenue Manila.


Sa mga larawan, todo ngiti sina Cristine at Ali habang ipinagmamalaki ng kanilang unica hija ang kanyang certificate para sa camera. 


Mula nang ma-upload ito, agad na nag-viral ang mga larawan na umani ng ilang papuri mula sa mga netizens sa social media. 


"Happy sya kc complete family mommy daddy ❤️ yan dapat gawin ng mga magulang para sa kanilang anak kahit hindi na nila love ang isat isa magsasama sila support ang kanilang anak salute ako dito😊❤️"


"muntik ko ng makalimutang may anak ka na pala πŸ˜‚ myghadd HAHAHAHA"


Nauna rito, naging usap-usapan ang aktres na si Cristine Reyes matapos ma-link sa co-actor na si Marco Gumabao.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo