Camille Prats, Aprub Sa 'Pagsermon' Ni Maine Mendoza Sa Isang Contestant Ng Eat Bulaga!

Tuesday, March 14, 2023

/ by Lovely


 Sang-ayon ang dating child star na si Camille Prats sa naging pahayag at payo ng “Eat Bulaga” host na si Maine Mendoza sa isang nanay na kalahok sa Bawal Judgmental. 


Matatandaang ipinunto ni Maine Mendoza na huwag munang bigyan ng malaking responsibilidad ang mga anak na siyang mag-aahon ng pamilya sa kahirapan, kapag sila ay lumaki na at nakatapos ng pag-aaral.


Isa ito sa mga naitanong ng King of Talk Boy Abunda sa “Fast Talk” kay Camille Prats, kung anong masasabi niya tungkol dito.


Sagot ni Camille, sang-ayon naman umano siya sa mga sinabi ni Maine. 


Bilang child star, ginusto raw niya ang pagpasok sa showbiz at hindi naman siya pinilit ng kaniyang mga magulang, o kahit na sinuman.


“Naniniwala ako na tama ‘yon, Tito Boy… kasi as a child, as a child star, ginusto ko ‘yon eh. 


Kaya nga sinasabi ko sa mommy ko, ‘You know mom, I’m so blessed and I’m so fortunate that at the age of 4 years old, sinabi ko sa ‘yo na gusto kong mag-artista. Naniwala ka sa akin,'” sagot ni Camille.


Nilinaw din ni Camille na hindi inasa ng kanyang mga magulang noon sa kanyang ang kanilang pangangailangan.


Ayon naman kay Tito Boy, hindi tamang sabihing ang pagpasok ng isang tao sa pag-aartista ay paraan upang mai-ahon ang kalagayan sa kahirapan, dahil hindi umano madaling trabaho ang pagpasok sa showbiz.


Agad naman itong sinang-ayunan ni Camille.


Sa huli ipinunto ni Camille na bagama't apat na taon pa lamang siyang nagsimula sa showbiz, hindi niya kailanman naramdaman na ninakaw ang kanyang kabataan sa kanya.




No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo