Baby Meteor Naging Magtataho Sa Kanyang 2nd Month Photoshoot!

Martes, Marso 21, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi na ng couple na sina Whamos at Antonette Gail sa mga netizens ang 2nd month photoshoot ng kanilang unang anak na si Baby Meteor.


Sa behind-the-scenes na video ng pictorial, parehong makikita sina Whamos at Antonette na tumutulong sa mga photographer na makuha ang perfect shots ni baby Meteor.


Marami naman sa kanilang mga fans ang natutuwa sa pagbabahagi nina Whamos Cruz at Antonette Gail sa bawat milestone ng kanilang anak na si Baby Meteor.


Ibinahagi ni Whamos na nais nilang maiba sa pagkakaroon ng theme sa bawat milestone ng anak. Nais umano nila ni Antonette na ang gawing theme ay ang mga payak ng trabaho sa lipunan.


Aminado rin si Whamos na ayaw niyang magpasosyal-soyal at gusto niyang may originality ang ginagawa nilang theme sa monthly photoshoot ng kanilang anak.


Agad naman pinuri ng mga fans sina Whamos at Antonette dahil sa pagiging humble umano ng mga ito.


"Wow Cuteness overload Baby Meteor happy 2months old.keep safe always"


"Good mother at your young age.Godbless"


Narito ang kanilang behind the scene video: https://fb.watch/jpt2bCuh0m/

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo