Ava Mendez Nagbigay Linaw Na Sa Hiwalayan Nila Ni Skusta Clee!

Linggo, Marso 19, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang VivaMax actress na si Ava Mendez sa isyu ng hiwalayan nila ng OPM Rapper na si Skusta Clee.


Bagama't hindi siya nagbigay ng mga detalye tungkol sa kanilang breakup, isiniwalat naman niya na nanatili naman silang magkaibigan. 


Ipinunto pa ni Ava na mas mabuti umanong magkaibigan na lamang sila kaysa nasa iisang relasyon sila.


Sinubukan naman umano nila kung magwowork ang kanilang relasyon subalit hindi talaga sila nagmamatch.


"Hindi kami nagtatago. May mga bagay talaga na hindi match and sinubukan naman namin. Okey naman talaga," pahayag ni Ava.


Tahasan din niyang inamin na siya ay isang ambisyosong ng tao, at marami pa siyang gustong gawin; kaya naramdaman niyang hindi niya kakayanin ang pagiging in a relationship.


"Pero ambisyosa talaga akong tao and ang dami ko pang gustong gawin. So, parang hindi ko kaya," pag-amin ni Ava.


Bago pa man ang nasabing interview naging usap-usapan sa social media ang paghihiwalay umano ng dalawa at ang kanilang sagutan online.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo