Andrea Brillantes Ginamit Ang Blackpink Concert Para Sa Kanyang Promposal Sa Boyfriend!

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Lovely

 

Pinag-uusapan ngayon ang aktres na si Andrea Brillantes matapos magtrending ang kanyang ginawang promposal para sa kanyang nobyong si Ricci Rivero para sa darating na Star Magic Prom sa mismong concert ng Blackpink.


Kitang-kita ang kilig at kasiyahan ni Andrea ng magtagumpay sa kanyang binabalak para sa event na iyon.


Napansin nina Lisa at Rose ang hawak niyang banner na nakasulat sa Korean. 


Matapos mapansin ng mga ito ang kanyang banner ay itinaas niya ang dilaw na banner kung saan nakasulat ang kanyang pagtatanong kay Ricci kung pwede itong maging partner ni Andrea sa prom.


Natutuwa naman at tila kinilig ang mga myembro ng Blackpink ng umu-o si Ricci sa proposal ni Andrea Brillantes.


Nakatakdang magaganap ang kauna-unahang Star Magic Prom sa darating na March 30, 2023.


Nauna nang naiulat ang iba't-ibang pakulo ng mga Star Magic Artist sa pagyayaya ng kanilang gustong maging date sa nasabing event.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo