Aljur Abrenica Gustong Makilala Ang Lalaki Ni Kylie Padilla!

Huwebes, Marso 2, 2023

/ by Lovely


 Estranged husband ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica nagbigay na ng reaction hinggil sa napapabalitang boyfriend ni Kylie Padilla.


Hindi umano okay para sa aktor na si Aljur Abrenica na hindi niya kilala ang bagong minamahal ngayon ni Kylie Padilla.


Ayon sa kanya, inaalala lamang niya ang dalawang anak nila ni Kylie na sina Axl at Alas, sa bahagi naman kasi niya ay kilala ng mga bata ang girlfriend niyang si AJ Raval.


“Gusto ko talagang malaman kung sino siya, what he’s doing sa personal na buhay niya. Siyempre, hindi naman puwede na makasama siya na hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya, kung ano ang pinaggagawa niya. Hindi ko siya kilala, ‘yun ang wino-worry ko ngayon,” saad ni Aljur.


Pagdidiin pa ng aktor na hindi okay sa kanya na hindi kilala ang lalaki dahil palagi itong nakakasama ng kanyang mga anak.


“Kilala nila si AJ. Ito, hindi ko siya kilala. Sasabihin ko na, hindi ako okay dun.”


Samantala ayon pa kay Aljur at tila hindi pa rin sila naghihiwalay ni Kylie dahil palagi pa rin silang nagkikita at nagkakausap para sa kanilang mga anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo