AJ Raval May Ibinahaging Cryptic Post Tungkol Sa Sarili?

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang social media platforms ang ibinahaging cryptic quote ng sexy actress na si AJ Raval sa kanyang Instagram stories.


"I'm still figuring things out and that's ok," mababasa sa isang papel na ibinahagi ni AJ Raval.


Hindi naman malinaw kung patungkol ba ito sa kanyang sarili o sa kanyang naramdaman ngayon o di kaya ay may nagbigay sa kanya ng ganoong mensahe.


Kamakailan lamang ay naging laman ng mga balita si AJ Raval ng hayagan na niyang inamin ang totoong relasyon nila ng estranged husband ni Kylie Padilla.


Marami ang hindi natutuwa sa pag-all out ng kanilang relasyon at ipinamukha sa aktres na isa lamang siyang kerida.


Pinatulan naman ito ni AJ at sinabing hindi siya kabit dahil hiwalay na umano sina Kylie at Aljur ng pumasok siya sa buhay ng aktor.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo