Willie Revillame Humingi Na Ng Tawad Kay Cristy Fermin Matapos Sumbatan Sa Naitulong Niya Dati!

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Jerome

 

Emosyunal na humingi ng tawad ang host na si Willie Revillame kay Cristy Fermin, kagabi February 8 sa kanyang live broadcast sa Wowowin.

Matatandaan kasi noong mga nakaraang araw lamang sa kanyang mga live broadcast sa Wowowin ay parang sinumbatan niya ang ilan taong kanyang natulungan noon. Isa na nga si Cristy Fermin sa napag buntunan niya ng galit at madamdaming saloobin, at matapos namang makarating ito kay Cristy ay agad naman niya itong pinagsabihan at pinaliwanagan, dahil sa padalos-dalos ito at parang isinusumbat niya sa mga taong kanyang natulungan ang mga bagay na kanyang ibinigay.

Dahil nga sa panunumbat ni Willie kay Cristy Fermin ay muntik na daw atakihin si Cristy dahil sa galit niya kay Willie at sa mga hindi magandang sinabi nito. Subalit kagabi naman sa live broadcast ni Willie  sa Wowowin ay humingi ito ng tawad kay Cristy dahil sa mga nasabi nitong hindi maganda at sinabi din niyang hindi daw siya nanumbat dahil parang nanay na daw niya si Cristy at nadala lang daw siya sa ilang mga balita at vloggers sa social media. 

Humingi din ng tawad si Willie sa mga anak ni Cristy Fermin dahil nasaktan daw niya ito sa mga salitang nabitawan niya na himdi naman daw niyang intensyon na makapanakit. Pero ang mahalaga daw sa ngayon ay nagkausap na nga sila ng maayos at nagkaunawaan iyon daw yong mahalaga. Himihingi siya ng kapatawaran dahil siya ay nag kamali at siya ay tao lamang. saad ni Willie.


  

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo