Vin Abrenica Nagulat Rin Sa Relationship Reveal Nina Aljur Abrenica at AJ Raval!

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Lovely


Kabilang sa mga naitanong ni Boy Abunda kay Vin Abrenica sa pagiging guest nito sa kanyang programa ay ang pag-amin nina Aljur at AJ sa kanilang totoong relasyon.

Naunang itinanong  ni Boy Abunda kung kumusta ang relasyon nina Vin at Aljur Abrenica bilang magkapatid.

“What is your relationship like with your brother now?” tanong ni Tito Boy.

Agad naman itong sinagot ni Vin, “Well, the closeness is there, Tito Boy. Ever since naman hindi mawawala 'yan kasi we're brothers tapos isang taon lang 'yung gap namin. But we haven't been talking much lately.”

Kasunod nito ay ang katanungan na ni Tito Boy tungkol sa pa jowa reveal nina Aljur at AJ sa mismong Valentine's Day.

“So hindi mo alam 'yung, halimbawa, kahapon na nangyari na biglang open declaration of the relationship?” tanong muli ni Tito Boy.

“Yeah, actually. Nagulat nga,” sagot ni Vin. 

Paglilinaw pa ng aktor, “Actually nakita ko naman 'yung post. And honestly, nakita ko na 'yon, I'm happy. Kasi... sino ba nakakaalam ng lahat ng mga nangyayari sa kanya ngayon, with all the stress, with all na binabato sa kanya ng buong Pilipinas, ng buong mundo? Nakikita ko, he's my brother. He's broken now.”

“What do you mean by 'he's broken now'?” muling tanong ni Tito Boy kay Vin. 

“I mean, Tito Boy, hindi naman madali na lumabas ng bahay na alam mo na lahat ng tao sa mundo, galit sa'yo,” sagot nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo