Miles Ocampo, Kaya Trending Worldwide at Puring Puri Ng Netizens

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Jerome

 

Nagtrending ngayon ang actress na si Miles Ocampo matapos na mapanood ang rape scene niya sa FPJ's Batang Quiapo. 

Marami ang humanga kay Miles ng tanggapin niya ang character na ito, inulan ng mga papuri ang actress sa mahusay na pag arte sa mga eksena niya lalo na noong nanganganak siya. Sobrang husay nga daw ni Miles lalo na noong kunin niya ang kanyang anak sa kamay ni Ryza Senon na tinangkang nakawin ang anak niya. 

Samantala first time daw ni Miles ang ganoong eksena, na talaga namang kinagiliwan ng mga manonood ang kanyang husay sa pagganap ng kanyang character bilang batang ina. Dahil nga daw sa husay na ipinakita ni Miles ay na pressure daw ngayon ang actress na si Cherry Pie dahil ito ang gaganap na medyo matandang version ni Miles sa serye na ito. 

Kanya-kanya namang komento ang mga netizen sa galing ng pag-arte ng actress na si Miles Ocampo. Hiling naman ng ilan sa mga netizen ay sana daw ay mabigyan pa ng mga ganitong project ang actress dahil sayang naman daw ang kanyang galing sa pag-arte.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo