Teresa Loyzaga, Hindi Pa Rin Nakakasundo Si Cesar Montano!

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng pahayag si Teresa Loyzaga hinggil sa isyung hindi pa rin sila nagkakausap ng kanyang dating karelasyon at ama ng isa niyang anak na si Diego Loyzaga.

Inihayag ng aktres na si Teresa Loyzaga na masaya siya na magkasundo na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Maging ang pagkakasundo ng kanyang anak na si Diego sa ama nito.

Subalit, inamin naman ni Teresa na hindi pa rin sila nagkakausap ni Cesar Montano. Gayunpaman, nilinaw ni Teresa na hindi sila nagkakausap hindi dahil sa masama pa rin ang loob nila sa isa't-isa kundi dahil wala lamang silang panahon mag-usap.

Iginiit ni Teresa na palagib siyang busy at minsan pa ay out of the country. Kay Sunshine naman ay very ok umano sila at nagkakausap sadyang kay Cesar lamang hindi ok.

Naniniwala naman si Teresa na hindi pa niya masasabi ngayon kung darating ang araw na magkakasundo silang dalawa ni Cesar at kung sakali mang darating ang panahong iyon ay magiging masaya siya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo