Judy Ann Santos Walang Active Contract sa ABS-CBN! Willing sa GMA7?

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Lovely


Inamin ng aktres na si Judy Ann Santos sa isang panayam na may ginagawa siya project na hindi under ng ABS-CBN.

Subalit, nagpaalam naman umano siya sa ABS-CBN na kung maari ba niyang tanggapin ang nasabing proyekto.

 "I called up Tita Cory para ipaalam lang sa kanya, para magsabi, 'I'm gonna make a series outside ABS-CBN."

Bagama't wala siyang active contract mula sa ABS-CBN ay sa tingin umnao niya ay kailangan niya pa ring kumuha ng permiso o ipaalam man lang ang kanyang gagawing project.

"Ipinaalam ko nang maayos. Kasi alam mo yung pakiramdam na wala man akong existing contract with ABS-CBN, yung pakiramdam ko lang na para akong namimindeho ng asawa. All my life, I've been doing all my teleseryes with ABS-CBN. Ito yung first time na gagawa ako ng hindi under sa kanila, so parang feeling ko lang, medyo nagi-guilty ako so kailangan ko sabihin."

Samantala, hindi niya sinabi kung ano ang pamagat ng nasabing teleserye. Ang isiniwalat niya lamang ay under umano ito ng isang independent production company na Reality Entertainment. Ongoing pa lamang umano produksiyon ng series na hinulma ng director-producer na si Erik Matti.

Hinggil naman sa kung handa ba siyang magtrabaho sa GMA. Sinabi ni Juday na handa naman siya subalit kailangan niya munang makipag-usap sa ABS-CBN bilang respect na rin dahil doon umano siya naggrow as an actress.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo