Regine Velasquez Inamin Na Nahirapan Siya

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Jerome


Asia's song bird na si Regine Velasquez nakaramdam daw nga kaba sa duet nila ni Morissette Amon para sa kantang gusto ko ng bumitaw.  

Sa isang episode ng ASAP natin 'to na ibinahagi noong taong 2022 na ibinirit ni Lani Morisette ang  kanta na mula sa OST ng teleseryeng The Broken Marrage Vow. Napaka enegitic ng nasabing production number kaya naman ay mabilis itong nag viral sa social media at ginawan pa ito ng iba't ibang versions ng mga netizens at pati na nga ng mga kapwa nila celebrities. 

Subalit inamin nga ng Asia's Song Bird na nakaramdam daw siya ng pagdududa sa kanyang sarili habang bumibirit dahil hindi daw siya sigurado kung maaabot ba niya ang mga high notes. Subalit plano daw kasi talaga ni Regine na irequest sa production na medyo babaan ang keys ng mga matataas na notes para hindi daw siya sumablay lalo pa at si Morisette nga ang kanyang ka duet. 

"Satotoo lang pinagod ako ng kantang to kasi ang isang kumanta nito ay si Mori, parang naghikab lang, alam mo habang kinakanta mo ito ay kinakanta ko na kasi nakakalimutan kong sabihin na puwede mo bang ibaba kasi 100 years old na ako, itatapat niyo ako kay Mori," pagbabahagi ni Regine sa episode ng Magandang Buhay noong February 2.  

Gayunpaman, nakalimutan na ni Regine na ipa-adjust ang mga key, kaya habang nasa stage na sila ni Morisette ay naramdaman talaga niya ang pressure pero patuloy parin siya sa pagbirit. 

"Nakalimutan kong sabihin, so kumakanta nako in the middle of na gusto ko ng bumitaw ay iniisip ko nalang kung aabot ba ako, maghihit na ako, ganun yong nasa isip ko, tapos parang sige laban." patawang chika naman ni Regine.

Sabi naman ng co-host niyang si Merry kantiveros napatunayan naman daw niyang kayang-kaya parin niyang makipag sabayan mga batang mang-aawit ngayon. 


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo