Kuya Kim Inokray Ng Mga Fans Ni Donnalyn Bartolome, Tinawag Na Papampam!

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Lovely


Tila pinapaninindigan na umano ng TV-host na si Kuya Kim ang pagiging sawsawero sa mga isyu ng ilang mga sikat na personalities sa mundo ng social media at showbiz.

Muli na namang mainint na pinag-uusapan sa social media ang pananawsaw ni Kuya Kim sa kinakakasangkutan ngayong isyu ng social media personality na si Donnalyn Bartolome.

Matatandaan na muling nagviral ang social media influencer na si Donnalyn Bartolome matapos niyang sagot ang komento ng isang netizen na naiinsecure na umano sa kanyang physical apppearance matapos manganak.

Bagama't maganda naman ang intention ni Donnalyn tila may double meaning ang kanyang pahayag na, maganda talaga pagbinuntis.

Maging ang TVhost at tinaguriang trivia master na si Kuya Kim ay nagreact din sa nasabing post at komento ni Donnalyn. Sa isang recorded live ni Donnalyn, makikita ang komento ni Kuya Kim na sinasabing, "Hope all is well."

Kaagad naman to the rescue ang mga tagahanga ni Donnalyn at binara ang pagiging Sawsawero ni Kuya Kim.

“Kuya Kim Atienza papampam!”

“Kuya Kim Atienza tengene HAHAHAHA.”

“Sawsaw pa more.”

Napansin ng ilang mga netizens na napapadalas ang pananawsaw ni Kuya Kim sa mga isyu ng mga celebrities at social media personalities. Kaya naman hinuha ngayon ng ilang netizens na ginagawa ito ni Kuya Kim upang mapag-usapan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo