Reaksyon Ni Coco Martin Sa World Class Acting Ni Miles Ocampo!

Martes, Pebrero 14, 2023

/ by Jerome

 

Maraming mga netizens ang humanga sa acting ng actress na si Miles Ocampo sa pilot episode ng Batang Quiapo kagabi February 13, nagtrending sa Twitter worldwide ang hashtag Miles Ocampo kung saan pang 28 ito sa buong mundo. 

Ikinagulat ng mga netizen ang kakaibang Miles Ocampo na kanilang napanuod sa episode na ito, kaya naman sobrang proud ang biteranong actor at direktor na si Coco Martin sa alaga niyang si Miles Ocampo at aminado din siyang hindi naging madali ang sensitibong eksina nila ng alagang si Miles sa serye ng Batang Quiapo. 

Samantala hindi naman napigilan ng actor direktor na si Coco Martin na ipakita ang kanyang tuwa sa naging successful pilot episode ng seryeng Batang Quiapo. Nagpost ito sa kanyang social media acount at binati si Miles Ocampo sa husay nito sa pag-arte. 

Hindi naman makapaniwala si Miles Ocampo sa pagtanggap ng mga netizens sa kanyang naging character sa Batang Quiapo.

Sabi naman ni Miles ay masayang-masaya daw siya dahil sa tagal daw niya na hindi nag drama tapos ganoon daw ang feedback ng mga netizen, hindi daw siya makapaniwala na nagustohan at na appreciate daw ng mga tao ang kanyang ginawang pag-arte. At nasabi din ni Miles na gusto niya ding iexplore ang medyo mature na mga pag-arte naman at tama na daw muna sa mga pa-sweet na pag-arte. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo