Part 144 Latest Update Magkakapatid Nabaliw Sa Pagkawala Ng Magulang | Techram Vlog

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Sparkle

 


Si Kuya Bryan, aprubado ng pamilya Manalastas. Tila naging panaginip ang pagpunta mismo ni Kuya Bryan sa bahay nila Sweet Mary.


Sa pangunguna ni Tatay Ram, maagang sinundo si Kuya Bryan sa kanilang bahay para bumili ng bulaklak na ibibigay kay Sweet Mary na nasa bahay nito.


Sosorpresahin niya dahil araw ng mga puso, buwan ng Pebrero. Kaya naman pinapili ni Techram si Kuya Bryan ng bulaklak na ibibigay kay Sweet Mary bilang pasasalamat sa pagtulong sa kanya at kay Ate Crystal.




Matatandaang nakipag-hands-on si Sweet Mary sa dalawa para turuan ang mga ito sa kanilang pang-araw-araw na gawain para mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa kanilang paligid at sa loob ng bahay.


Nagturo din si Sweet Mary ng magandang asal at pakikisalamuha sa ibang tao. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, tila naging tukso ang pagkakaroon ng loveteam nina Kuya Bryan at Ate Liza.


Kaya naman sa araw ng mga puso, ang lahat ay hindi maiwasang kiligin sa kanilang dalawa.




Isa si Tatay Ram sa sobrang excited nang iabot ni Kuya Bryan ang bulaklak kay Sweet Mary. Hindi napigilan ni Tatay Ram na bigyan ito ng ibang kahulugan.


Ang nakatatandang kapatid na si Sweet Mary ay pinayuhan pa na kung siya ay umibig, sana ay kay Bryan.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo