Part 142 Wow! Kuya Enrico Makabalik Na Sa Pag-aaral, Techram Todo Suporta Sa Binata!

Sabado, Pebrero 25, 2023

/ by Sparkle

 


Maraming tao ngayon ang pinahanga ni Kuya Enrico dahil hindi pala ito basta-basta.


Noong elementarya pa lang, ibinunyag ng kanyang kaklase na lagi siyang honor sa kanilang paaralan.


Lalong humanga si Techram. Ayon sa kanya, kailangang bumalik agad sa paaralan si Kuya Enrico para makita ng mga tao kung gaano ito kagaling.




Kung dati mahirap maglakad, ngayon ay nakakatakbo na dahil sa tulong ni Techram. Hindi niya pinabayaan ang binata upang maibalik ang dating sigla at lakas ng katawan.


Sa pagbubunyag ng dati niyang kaklase, lalo pang humanga si Techram. Napakatalino ng batang ito. Kung makikita natin si Kuya Enrico, tahimik siya pero may kakayahan talaga siyang mag-isip.


Ayon sa mga netizens, makikita nila na may potential si Kuya Enrico. Gusto nilang bumalik siya sa normal at sa pag-aaral.




Ayon kay Techram, tututukan niya si Kuya Enrico para makabalik siya sa kanyang pag-aaral. Dito siya magfofocus.


Tinulungan ito ng maraming tagasuporta ni Techram dahil nakita nila ang potensyal nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo