Ogie Diaz Umalma Sa Naging Pahayag ni Liza Soberano!

Lunes, Pebrero 27, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi nagustuhan ng dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz ang mga isiniwalat ng aktres hinggil sa kanyang showbiz career sa loob ng 12 years sa kanyang pangangalaga.


Sa inilabas na vlog ng aktres noong Linggo, Feb. 27, ipinahayag niya na sa loob ng 13 years career niya, nilimitahan lamang siya sa tatlong genre – ang romance, comedy at drama.


Iisang main co-star lamang umano ang kanyang nakasama, tatlong direktor at sa isang production company lamang.


Nito lamang umanong lumipat siya sa pangangalaga ni James Reid nagkaroon ng kalayaang mamili sa kung ano ang gusto niya.


Tila hindi rin nakapagtimpi si Ogie Diaz at naglabas din siya ng kanyang saloobin sa mga binitawang salita ni Liza.


Ayon sa kanya dapat magpasalamat umano sila sa aktres dahil sa pagsunod nito sa kanila kaya naabot nito ang kasikatan na pinapangarap ng ibang mga artista.


“Gusto ko na lang unawain at intindihin ang kanyang kuwento at damdamin tungkol sa 13 years ng kanyang showbiz career."


“Kung sinasabi ni Liza na parang kinokontrol siya ng mga tao sa paligid niya, kung ako man ‘yan at ang Star Magic, gusto ko magpasalamat kay Liza kasi sinunod niya kami, kaya siguro sumikat siya," saad ni Ogie Diaz.


Pinagdidiinan din ni Ogie na hindi totoo walang sey si Liza sa kanyang mga proyekto noon dahil palagi itong hinihingan ng kanyang opinyon.


Maging ang hugot nito na pagbibigay nila ng screen name bilang Liza Soberano ay sinagot rin ni Ogie Diaz.


“‘Yung screen name na Liza Soberano na ibinigay sa’yo ni Tita Malou Santos ng Star Cinema, ‘yan ang nagtaguyod sa pamilya mo. Nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang daddy mo."


"Nakakapagpadala ka rin ng tulong sa mommy mo sa States. Naibili mo ng bahay sa Amerika ang lolo at lola mo na kumupkop sa inyo ng kapatid mo… lahat ‘yan dahil sa pagiging Liza Soberano mo, anak.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo