Ogie Diaz, Puwede Tapatan Si Boy Abunda!

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Lovely


Isang journalista ng nagpahayag na maari umanong tapatan ng showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz ang King of Talk Show na si Boy Abunda hinggil sa mga showbiz oriented talk show.

Muli na namang napag-uusapan ngayon si Boy Abunda at ang kanyang programa sa muling pagbabalik niya sa GMA7, ang Fast Talk with Boy Abunda. Hindi maipagkakaila na marami ang nag-aabang sa mga bagong episodes ng kanyang programa kung saan nagkakaroon ng pasabog na rebelasyon ang kanyang mga ikinapapanayam.

Samantala, ayon sa tweet ng journalist na si Philip Lustre, Jr. maaring tapatan ni Ogie Diaz ang talk show ni Boy Abunda.

“OGIE Diaz should’ve his own talk show, netizens say. He’s a great alternative to Boy Abunda, who is a showoff, although not exactly bright. Besides being a natural comedian, Ogie also asks intelligent questions. BA is so insecure and his tendency is to show off. Pa-impress si BA.”

Agad naman itong sinagot ni Ogie Diaz, ni-retweet niya ito at ibinagay ang kanyang saloobin. Sinabi niyang marami pa siyang kakaining bigas upang matapatan si Boy Abunda.

“Nako po, sir, kahit mahina na po ako sa kanin, marami pa po akong isasaing na bigas para maging siya. Tinitingala ko po si Kuya Boy. Pero salamat pa rin po sa papuri,” pahayag ni Ogie Diaz.

Matatandaang, marami-rami na rin siyang mga kinapanayam na artista sa kanyang programang Ogie Diaz Inspires.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo