Nadine Naagaw Na Nga Ba Kay Kim Ang Pagiging Horror Queen?

Linggo, Pebrero 19, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa mundo ng social media ang pagtutukoy kay Nadine Lustre bilang bagong Horror Queen. Tila nalampasan na umano ng aktres ang mga naunang tinuturing na horror queens na sina Kris Aquino at Kim Chiu.

May mga naglabasang ulat na ang susunod na proyekto ng aktres na si Nadine ay isa rin umanong horror films sa direction ni Mikhail Red at under sa production ng Viva Films.

Matatandaan na sa unang horror film ni Nadine Lustre na Deleter na inilabas noong Deceember si Mikhail Red din ang Director at Viva Films rin naman ang producer.

Samantala, ang susunod na pelikula ni Nadine ay tungkol din sa isang primal, supernatural curse that hunts. Ang kwento ay tungkol sa isang rural family na mas pinili ng anak na iwan ang pamilya upang  mangibang bansa at doon na manirahan.

Bukod rito may isa pang pelikulang katatakutan na gagawin si Direk Mikhail Red kasama ang aktres na si Nadine Lustre. Isa naman itong psychic horror film, na nakaset in the near future. Ang kwento naman nito ay umiikot sa isang Filipinang astronaut na naka-encounter ng devil.

Kaya naman ayon sa ilang mga netizens na karapat-dapat nang tawagin si Nadine Lustre bilang Horror queen dahil sa galing nito. Sa una pa lamang napagganap nito ay naparangalan na bilang best actress.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo