Miguel Tanfelix, Inaming Naging Girlfriend Sina Barbie Forteza, Bianca Umali at Kyline Alcantara!

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Jerome


Usap-usapan ngayon sa social media ang maiinit na rebelasyon ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix tungkol sa kanyang mga naging karelasyon o naging girlfriend sa showbiz at ang tunay na namagitan sa kanila ng actress na si Kyline Alcantara.

Hindi naman nagpaligoy-ligoy pa at diritsahang sinagot ang mga katanungan sa kanya ng host na si Boy Abunda, ng nag guest siya sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda. 

Nagulat at kinilig naman ang mga netizens ng simulang ipakita ni Boy Abunda ang mga larawan ng mga babaeng na link o mga naging karelasyon ni Miguel sa showbiz, at ang mga naging rebelasyon niya sa bawat babae na ipinakita. 

Una namang ipinakita ni Boy Abunda ang larawan ni Barbie Forteza at inamin naman agad ni Miguel na naging kasintahan niya ang actress, ikinagulat nga ito ng mga nitizen dahil ngayon lamang ito nalaman nila dahil wala ngang kumalat noon o naging issue na naging sila ni Barbie Forteza. 

Hindi rin naman daw ito na babanggit ng actress tuwing natatanong siya tungkol sa kanyang mga naging ka relasyon. Subalit matagal na daw ito at halos di na niya maalala kung hanggang kailan lng tumagal ang kanilang relasyon. 

Kasunod naman na ipinakita ni Boy Abunda ay ang larawan ni Bianca Umali, tulad ng kay Barbie ay ganon din ang mga naging reaction ng mga netizen ng aminin mi Miguel na naging girlfriend niya si Bianca. Dahil ang pagkakaalam ng karamihan ay nanliligaw lamang siya at nahinto sa hindi malinaw na dahilan. 

At ang sumunod naman na ipinakita ay ang larawan ng actress na si Kyline Alcantara at ganun padin ang naging sagot ni Miguel na naging girlfriend niya din daw ang actress, subalit ganun paman ay bagamat maayos naman daw nilang tinapos ang kung anu man ang mayroon sila, ay hindi parin siya sigurado kung ok pa din ba siya sa actress. Pero umaasa siya na balang araw ay magiging ok na ang lahat sa kanila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo