Enrique Gil at Marian Rivera-Magtatambal Sa Isang Teleserye?

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa ilang entertainment sites ang balitang magtatambal sa isang teleserye sina Marian Rivera at Enrique Gil.

Ayon sa ilang mga bali-balita online na malapit nang lumipat si Enrique sa Kapuso Network at kasalukuyan nang nakikipag-usap sa management. Isa sa pangunahing project umano ni Enrique sa GMA ay ang isang teleserye na pagbibidahan nila ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Matatandaan na ilang taon din nahinto si Marian Rivera sa paggawa ng mga teleserye dahil tila nagfofocus muna ito sa pagiging housewife at pag-aalaga sa dalawang anak nila ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Sa muling pagbabalik teleserye ni Marian Rivera ngayong taong 2023 ay si Enrique Gil umano ang magiging leading man nito.

Samantala, wala pa namang inilabas na official statement mula sa management hinggil sa bali-balitang ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo