Mccoy De Leon Valentines Surprise to Elisse Joson and Baby Felize!

Lunes, Pebrero 20, 2023

/ by Lovely


 Mccoy De Leon may pa Valentines Surprise din sa kanyang partner na si Elise Joson at anak na si Baby Felize.


Sa social media ng actress na si Elisse Joson ibinahagi niya ang bonggang Valentines suprise ni Mccoy De Leon.


Isang napakaganda at napakaromantic na Valentines set-up ang hinanda ni Mccoy para sa kanyang partner na si Elisse sa loob mismo ng kanilang tahanan.


Maging ang anak nilang si Baby Felize ang tuwang-tuwa rin sa malaking teddy bear na tila bigay ni Mccoy.


Bukod sa malaking teddy bear nagbigay rin si Mccoy ng mga naggagandahang bouquet of flowers para sa kanyang mag-ina.


Spotted din ang dalawa sa isang dinner date noong linggo kung saan sinundo pa mismo ni Mccoy ang partner mula sa trabaho nito.


Samantala, naging hati pa rin ang reaksyon at komento ng ilang mga netizens sa pagbabalikan ng dalawa.


May mga natuwa na sa wakas ay buo na muli ang kanilang munting pamilya at hinahangad na manatili silang buo kailanman.


Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang mga nagne-nega at sinabing napakamartyr ni Elisse sa isang lalaki na ilang beses na siyang niloko.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo