Boy Tapang Umamin Na Hindi Jowa Ang Pinakilalang Seksing Mestiza!

Lunes, Pebrero 20, 2023

/ by Jerome

 

Humingi ng tawad si Boy Tapang sa kanyang mga followers kaugnay sa kanyang pagbunyag sa totoong relasyon nila ni LJ Satterfield.


Inamin niyang hindi niya totoong kasintahan ang pinakilala niyang si LJ Saturfield o si Girl Tapang. Sabi niya na nadala lang daw siya sa kagustuhang magkaroon ng content. 


Nakaramdam daw siya ng sakit dahil sa dami daw ng kanyang mga followers at mga taong nakasubaybay at sumusuporta sa kanyang lovelife, gayong hindi naman daw niya totoong girlfriend ang kanyang ipinakilala. 


Ito daw ang dahilan kung bakit itinigil ni Boy Tapang ang paggawa niya ng content tungkol dito. 


Dagdag pa ni Boy Tapang na hindi na daw niya kaya na magpanggap pa at hindi rin daw niya deserve ang isang toxic na babae. 


Minsan, naitampok ang lovestory nina Boy Tapang at LJ Satterfield sa Kapuso mo Jessica Soho na umani ng milyon-milyong views. 


Nakilala si Boy Tapang sa mga mukbang video niya na kung anu-ano ang kanyang mga kinakain. Tulad ng buhay na ipis, mga bulati at itlog ng butiki. 

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo