Lee O'Brian Pinapalayas Na Ni Pokwang Sa Pilipinas!

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag ni Marietta Subong, na kilala bilang Pokwang, na nais niyang umalis na ng bansa ang ex-partner na si Lee O’Brian.


Sinalubong ni Pokwang ang taong 2023 sa sunod-sunod na paglalabas ng mga baho ni Lee O'Brian. Matatandaan na sinabi pa niyang pinalayas niya umano ito sa kanilang tahanan dahil hindi ito nagsusuporta kahit man lang kay Malia.


Naghiwalay sila ni Lee O’Brian noong November 2021 ngunit ito ay isinapubliko lamang noong July 2022.


Matapos ang pagpapalabas ni Pokwang sa mga baho ng dating partner, tila hindi pa rin naiibsan nito ang kanyang galit. Kaya ninanais niya ngayon na umalis na sa bansa si Lee O'Brian.


Nito lamang lunes, February 27, naglabas ng isang tweet si Pokwang kung saan ipinahayag niya na dapat humingi ng tawad itong si Lee O'Brian sa kanyang anak na si Mae dahil sa pag-agaw ng kanyang attention mula sa anak.


“Tapos sasabihin nitong inggratong kano na ito saan sya banda dapat mag sorry sakin??"


"dito! mag sorry ka sa anak ko dahil tinanggap ka nya at niyakap kahit sa loob ng halos 17 years sanay siya na walang kaagaw sakin maging masaya lang ako tinanggap ka niya!” tweet ng komedyante.



Samantala, ayon sa isang netizen ay dapat nang mag move on ni Pokwang to find peace. Subalit, tanging sagot lamang ni Pokwang na magkakaroon lamang siya ng katahimikan kung aalis na si Lee sa bansa.


 “I’ll find my peace kapag wala na sya sa pinas yun lang.” with matching laughing emoji.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo