Kim Molina Buntis Na Sa Unang Baby Nila Ni Jerald Napoles.

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Jerome

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang chismis na buntis na si Kim Molina sa unang baby nila ng boyfriend niyang si Jerald Napoles.


Ito ang mga naging hula ng mga netizens at kanilang mga fans kasunod sa mga ipinost ng magkasintahan sa kanikanilang social media accounts kagabi February 27.


Sa nasabing post ay nagbahagi ng kaunting mensahe ang magkasintahan sa kanilang blessing na ibubunyag daw nila soon.


Pahayag nila sa kanikanilang social media post, "NEWBLESSING is coming! Abang abang sa aming mga post! 😍 Lablab, KimJe 🫶 #NewChapter #NewTeam"


Kalakip nito ang larawan nilang dalawa kung saan makikitang naka silent hand gesture pa si Kim Molina.


Dahil dito ay na excited ang kanilang mga fans na tila daw pahiwatig ito na buntis si Kim at magiging mga magulang na nga daw ang dalawa.


Makikita naman sa comment section ang mga mensahi ng pagbati mula sa kanilang mga tagahanga. Heto nga ang iba sa mga naging komento ng mga fans ng dalawa. 


"Congrats po, baby no. 1 na po ba yan" 👏👏


"bka may bago silang movie, magkasama"...


"I think she's pregnantm nakikita ko sa aura nya"


"It's either siya ang buntis or her dog. Anyways, congratulations!"


"Pa-secret secret pa, obvious nman na buntis si Kim. Hahaha😂 Congratz though..."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo