Lai Austria Binago ang Caption ng Kanyang Trending Post!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely

Umaani ngayon ng pambabatikos si Lai Austria matapos magtrending ang caption ng kanyang photo kung saan kasama niya ang actor-host na si Dingdong Dantes.

Maraming mga netizens ang hindi nagustuhan ang caption nito sa kanyang post.

“Wait niyo yung sc*ndal namin,” caption ni Lai sa photo nila ni Dingdong Dantes na kuha mula sa Family Feud.



Hindi ito nagustuhan ng maraming fans ng DongYan  dahil napaka malisyoso umano ng caption nito.

Bagama't sinabi ng ilang netizens na nagpapatawa lang si Lai, maraming netizens ang nainis sa caption dahil nakita nilang hindi nararapat ito lalo na't may asawa na si Dingdong. Pinuna rin ng ilang netizens ang pag-pose ni Lai kay Dingdong sa pic.

Agad namang binago ni Lai ang caption ng kanyang post. Pinalitan niya ng loveteam ang scandal sa post niya.

“Abangan niyo love team namin mamayang 5:30pm sa Family Feud Philippines,” panibagong caption ni Lai sa kanyang post.

Samantala, sa comment section ipinahayag ni Lai sa mga nambatikos na kaya sila nagagalit dahil iisang scandal lamang ang alam ng mga ito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo