Kwento Ng Pag Momove on Ni Moira Dela Torre

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Jerome

 

Matatandaan noong naghiwalay sila Moira Dela Torre at Jason Hernandez, inanunsyo nila sa publiko noong May 31,2022 matapos ang tatlong taong pagsasama mula ng sila ay ikasal. 

Mula noon ay hindi na naka-follow si Moira sa Instagram account ng kanyang dating asawa na si Jason, at mapapansin na halos burado na ang lahat ng mga larawan ni Jason sa account ni Moira.

Samantala bago paman lumabas ang public announcement ni Jason sa kanilang hiwalayan ay napansin na ng mga netizens ang color black lang daw na Instagram story ng singer na si Moira Dela Torre. 

At maka lipas naman ang ilang oras ay ibinahagi na ni Moira ang screenshot ng announcement ni Jason tungkol sa kanilang break-up. Burado na din daw ang halos lahat ng larawan nilang dalawa, sa account ni Jason.

Ikinagulat ng netizen ang anunsiyong ito ni Jason, ayon naman kasi kay Jason na mutual decision daw nila ito kasunod ng kanyang pag-amin kay Moira na hindi siya naging tapat sa pagsasama nilang dalawa. 

Iginiit naman ni Moira na hindi niya kailanman pinagtaksilan si Jason, ito ay kaugnay ng kumalat na Facebook post kung saan ay iniu-ugnay siya sa kapwa singer na si Zack Tabudlo, napinalalabas na siya ang nagtaksil. Pahayag ni Moira na sakabila ng mga nararanasan niya ay gusto niyang ituwid ang mga haka-haka tungkol umano sa kaniya. 

Bagama't hindi na sila magkasama ni Jason masakit pa rin daw na isipin ang mga gawa-gawang kuwento tungkol sa kanila. Inamin din ni Moira na sinisisi niya ang sarili sa pagwawakas ng pagsasama nila ng dati niyang asaswa na si Jason. 

Pero kahit inako daw ni Jason ang kanyang pagiging unfaithful na dahilan ng kanilang paghihiwalay, aminado din naman daw si Moira na iniisip din niya kung mayroon siyang naging pagkukulang, at dag-dag pa niya na sa lahat naman daw ng pinagdaraanan niya sa buhay ay laging iyon daw ang kanyang initial reaction.  


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo