Kilig Couple Valentines Day Celebration of 2023 | KathNiel, KimXi, BeaDom, JakBie, Julia Gerald

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Lovely


Tunghayan ang pagdiriwang ng kinakikiligang showbiz couple bilang pagdiriwang sa Araw ng mga Puso ngayong Taon 2023.

Kahit late night na kahapon, February 14 humabol pa rin si Xian Lim ng isang Valentine special para sa kanyang girlfriend na si Kim Chiu. Late nang nakauwi si Kim mula sa isang taping subalit may pa surprise pa rin si Xian sa kanya na isang magandang bouquet of flowers.


Hindi naman nalimutan ng aktor na si Daniel Padilla ang pagbibigay ng flower sa kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo. Noon pa man ay consistent na ang aktor sa pagpapadala ng bulaklak kay Kathryn at maging ang ina, mga kapatidat mga pamangkin ni Kathryn ay hindi rin nalilimutan ni Daniel.


Kahit na nasa Switzerland para sa shooting, hindi pa rin nakalimutan ng aktor na si Gerald Anderson na ipadama ang kanyang pagmamahal sa kanyang girlfriend na si Julia Barretto. May hinanda itong isang bouquet of flowers para kay Julia na very proud naman iflinex ng actress sa kanyang social media account.


Isang bouquet of sunflower naman ang natanggap ni Jane Oineza mula sa kanyang boyfriend na si RK Bagatsing . Kalakip nito ay ang isang sweet note para sa nobya.

Isang camping date, naman ang isinagawa ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque  bilang Valentine celebration ngayong taon.

Nakatanggap ng bouquet of red roses ang aktres na si Sofia Andres mula sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda. Nagkaroon din sila ng late Valentine's date kinabukasan.

Nakatanggap rin ng isang box ng pink roses ang aktres na si Gabbi Garcia mula sa kanyang boyfriend na si Khalil Ramos. Hindi lamang ito bilang celebration ng Valentine's day kundi maging ang kanilang 6th year anniversary.

Hindi naman nagpahuli ang celebrity couple na si Rayver Cruz sa pagbibigay ng flowers sa kanyang girlfriend. Isang bouquet of beautiful flowers ang natanggap ni Julie Anne mula sa nobyo sa araw ng mga puso. Nagkaroon din sila ng Valentine picnic sa Tanauan, Batangas.

Nagkaroon naman ng Valentine's dinner date ang real life couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto bilang celebration ng kanilang Valentine. Hindi rin nakaligtaan ng aktor na bigyan ng bouquet flower ang nobya.

Tila todo pag-amin na nga ang aktor na si Joshua Garcia na may nobya na siya sa katauhan ni Bela Racelis. Nagpadala ang aktor red roses para kay Bela. Kasalukuyang nasa Switzerland ang aktor para sa isang prohect kaya hindi sila nagkasama.


Masayang ibinahagi naman ni Sue Ramirez ang bouquet of flowers na bigay sa kanya ng boyfriend na personal pa umano siyang binisita sa Cebu upang makasama sa Valentine's day.

Mensahe ni Sue, "Happy Valentines, Palangga @javibenitezzz

Thank you for the flowers and for visiting me in Cebu to have an early Valentines dinner date. So simple. Just you and me. All I need 🤗♥️ Always grateful for all that you do for me. Hope you know how much I love you"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo