JK Labajo, Titigil Muna Sa Pagiging Singer. Focus sa Pag-Arte?

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag ng Buwan singer na si JK Labajo sa isang panayam na baka titigil muna siya sa kanyang music career.


Abala ngayon si JK Labajo sa promotion sa pelikulang gawa ni Vince Tanada na 'Ako si Ninoy' kasama sina Pinky Amador. Sarah Holmes, Johnrey Rivas, Cassy Legazpi, Marlo Mortel, Joaquin Domagoso at iba pa.


Sa naganap na premire night ng pelikula sa Rockwell Cinema, natanong pa ang young actor sa saloobin patalbugan sa takilya ng “Maid in Malacanang” ni Direk Darryl Yap at “Katips” ni Tanada.


Ngayon ay tila muling magtatalbugan naman ang mga pelikulang “Ako Si Ninoy”, “Oras de Peligro” at “Martyr or Murderer.”


“Feeling ko, there’s a hidden sort of film war going on. Honestly, at the same time, basta gawa lang tayo ng movie. Masaya na ‘yun,” saad ni JK.


Basta't ang importante umano ay hindi binabago ng iyong pelikula ang kasaysayan na natutunan sa mga history books na napag-aaralan sa simbahan.


“But at the end of the day, we’re just making a film, following what’s on the books of what we learned in school,” pagdiin ng aktor.


Ipinahayag naman niya na nag-eenjoy siya ngayon sa kanyang acting career kaya baka ay hihinto na muna umano siya sa kanyang music career.


“Baka nga tumigil ako sa music this time. Actually, balak kong maglabas ng album for this year. Nae-enjoy  ko ‘yung pag-acting," ani JK.


"Dati kasi, na-burnout ako sa acting. Ngayon naman, medyo lie low sa music  tapos focus sa acting,” dagdag pa niya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo