3 Anak Ng Isang Ginang, Pare-Pareho Ang Birthday!

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Lovely


Isang nakakamanghang post ang ibinahagi ni Pamn Faye Hazel CabaƱero mula sa Pakil, Laguna.


Makikita sa kanyang post ang mga birth certificate ng kaniyang tatlong anak na parehong pinanganak sa petsang Enero 27 na may gap na tatlong taon.


“Hindi ko inasahan pero ipinagkaloob! Every 3 years dumadating sila at saktong January 27 pa ipinapanganak! pahayag niya sa caption ng kanyang post.


“Yung matres ko ayun lang yata ang kilalang date eh. Saganang salamat po Mahal na Panginoon sa kakaibang pagkakataon na ito,” dagdag pa niya.


Isinilang ni Pamn Faye Hazel CabaƱero ang panganay noong 2017, taong 2020 naman ang pangalawa habang isinilang lamang nitong taon ang kaniyang bunso.


Halos hindi naman makapaniwala ang asawa ni Pamn Faye sa pambihirang pagkakataon na ipinagkaloob sa kanila.


Tuwang-tuwa din ang mga kapatid na winelcome ang cute nilang bunso na kapareho pa nila ng birthday.


Tiyak na magiging extra special ang susunod nilang January 27 dahil tatlong birthday ang ipagdidiwang nila.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo