Fans Ni Nadine Lustre, Rumesbak Kay Alex Gonzaga Matapos Ang Interview Ni Dina!

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Lovely

Muli na namang naging usap-usapan ngayon sa social media ang actress, TV-host at vlogger na si Alex Gonzaga matapos ibuking ng veteran actress na si Dina Bonnevie ang pagkainis nito noon sa actress na si Nadine Lustre.

Ayon kay Dina Bonnevie, pinagsabihan niya 12 years ago si Alex Gonzaga tungkol sa pagiging unprofessional nito sa kanilang proyekto. Palagi umano itong nali-late at bigla na lamang umaalis ng walang pasabi. Dumadating din umano ito sa set nang wala pang ligo at make up kaya kailangan pa nila itong hintayin.

Isa din sa mga isiniwalat ni Dina ay ang pagka-inis umano ni Alex sa kanyang co-star sa project na si Nadine Lustre dahil mas nauuna itong umiyak sa kanya.

“Kasi may eksena siya, dapat iiyak siya. Parang mommy niya n’un, tapos di siya makaiyak. Sabi ko, ‘Alex, do you know why you cannot cry? It’s because you’re not in touch with your emotions. You’re very indifferent to your co-workers. You know what? Honestly, I want to talk to you kasi we don’t like what you’re doing and that you’re always late.’" pagsisiwalat ni Dina.

Dagdag pa niya, “Sabi ko, ‘Hindi pa ipinapanganak ang mambabastos sa akin kaya Alex, please. Kinakausap kita nang maayos, If you want to stay long in this business, you can’t last kung ganyan ang attitude mo na palagi kang late, dito ka pa maliligo sa set, and you know, you cannot even memorize your lines. Di ka pa makaiyak.’ Tapos nagagalit pa siya kay Nadine kung nauuna pang umiyak si Nadine. Eksena niya raw ‘yun.”

Tila hindi naman ito nagustuhan ng mga fans ni Nadine Lustre at kaagad na rumesbak kay Alex Gonzaga. Hindi umano nila lubos maisip bakit ganoon si Alex, hindi naman umano kasalanan ni Nadine kung nauuna ito sa pag-iyak.

Nagpapakita lamang umano ito na mas magaling umarte si Nadine kaysa kay Alex na puro arte lamang umano ang alam.

“Talaga naman kasing super arte ng alex na yan.kala nya cute sya! Dyan lang magaling magpa cute, d nman kaayaaya..magpaka normal ja nga!”

“Dina said Alex doesn’t even know how to cry. Kaya nga acting eh. You can emote any emotion asked of you.”

“If you can’t act what business do you have in the acting profession.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo