Faith Da Silva, Inamin Na Nagkagusto Kay Albert Martinez!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely

Ang aktres namang si Faith Da Silva ang sumabak sa Fast Talk with Boy Abunda sa programa ni Tito Boy sa GMA7.

Sa panayam, naging totoo si Faith tungkol sa past rumored romance nila ni Albert Martinez, ang co-star niya sa tapos nang Kapuso series na “Las Hermanas.” 

“Nagkaroon ka ba ng relasyon kay Albert Martinez? Oo o hindi?” prangkang tanong ni Tito Boy.

“Hindi. Pero masasabi ko na nagustuhan ko siya,” pag-amin naman ni Faith.

Ibinahagi naman ni Faith kung bakit niya nagustuhan ang aktor.

“Nagustuhan ko siya kasi nakita ko kung paano niya ako inalagaan and kung paano niya ako ginuide bilang bagong artista ako e. First show ko 'yun at siya, veteran na siya bilang isang artista pero hindi niya pinaramdam sa akin na 'yung level niya malayo sa akin. And mabait siya. He’s sweet,” paliwanag ni Faith.

Subalit, alam naman umano niya kung gaano kamahal ni Albert Martinez ang kanyang asawa. Tinanong naman muli ni Tito Boy kung saan umabot ang pagkakagusto ni Faith sa aktor.

“Wala naman masyado kasi nga mahirap 'yung sitwasyon e. First time ko lang 'yun ma-experience. Na 'yung age gap namin medyo malayo talaga and I could see and I could feel kung gaano niya kamahal 'yung wife niya kasi 'yun 'yung palagi niyang ikinukuwento.”

Sa huli, ipinahayag ni Faith na nanatili silang magkaibigan ni Albert Martinez at nananatili siyang single.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo