Eula Valdez Ginulat Ang Lahat Sa Pag Pasok Sa Movie Na MoM! Kristine at Diego Intense Ang Acting!

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa iba't-ibang social media plateforms ang inilabas na trailer ng pelikulang Martyr or Murderer sa official Facebook page na VinCentiments.

Kalakip ng nasabing trailer video ay ang mahabang caption ni Direk Darryl Yap patungkol sa kanyang panibagong pelikula na kasunod ng pinag-uusapang Maid in Malacanang.

“TAMA SILA, MAMAMATAY-TAO AKO…”

THE OFFICIAL TRAILER OF 

#MARTYRorMURDERER

Limang Tagpo sa Kasaysayan

Apat na Dekadang Katahimikan

Tatlong Bansang Pinangyarihan

Dalawang bersyon ng Katotohanan

Nag-iisang Inang Bayan. 

Hindi pa Tapos ang Kasaysayan

Ang Karugtong ng Maid in MalacaƱang"

Pahayag pa ni Direk Darryl Yap na wala silang intensyon na i-revised ang history kundi itatama nila ang maling paniniwala ng marami na si Ferdinand Marcos Sr. ang siyang may pakana sa pagkamatay noon ni Ninoy Aquino sa Manila International Airport na ngayon ay naging NAIA na.

Samantala, ang kinagulat naman ng maraming netizens ang pagganap ni Eula Valdez bilang grown-up Sen. Imee Marcos sa pelikula.

Tila may isa na namang panibagong artista ang makakansel ng mga kakampinks dahil sa pagpasok sa pelikulang Martyr or Murderer.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo